Caramoan Summer Adventure

(@thefoodadvenchers) Kadalasan, mas natutuloy ang lakad kapag biglaan. Tulad nitong Bicol trip na ‘to. Salamat sa ASEAN holiday, nagkaroon ng instant break ang maraming empleyado tulad naming mga teachers. Pagka-announce na mawawalan ng trabaho, text kami agad sa mga friends naming game sa gala. Minsan lang ‘to kaya dapat sulitin!

Madaming mahal at murang itinerary pero itong sa amin, sample lang ng biglaang planuhan. All in all, around P6500 per person para sa 4 days and 3 nights. Dalawang araw kami sa Caramoan para sa island hopping at dalawang araw sa Legaspi para sa food trip at Mount Mayon adventure. Sa budget na yan, kasama na ang pocket money para sa dagdag na bilihin.

Pwedeng mas mura pa yung budget kapag regular bus ang sinakyan niyo. May kasama kaming bata kaya pumili kami ng medyo mas magandang bus type. Mga 8-12 hours ang biyahe kaya kung di masyado sanay sa matagal na biyahe, malaking tulong na pumili ng mas magandang masasakyan.

Pasyal at kainan na!

bicol collage 2.jpg

Getting There

  • Kung galing ka sa Manila papuntang Caramoan, pwedeng sumakay ng eroplano (Cebu Pacific, PAL, AirAsia) via Naga Airport, bus, o van.
  • Kapag bus, mag-book online sa https://bicolisarog.com/. Mas maganda na magbook online para siguradong may seats pa. Pwede rin naman bumili sa bus station sa may Cubao, katabi ng Philtranco pero mahirap na magbakasakali at maubusan sa mismong araw.
  • Maraming klase ng bus ang Isarog pero concentrate on these four types with estimated costs:
  1. Sleeper Bus (P1350)
  2. Premiere Bus (P1100)
  3. Lazyboy (P1000)
  4. Regular Aircon (750)
DSCF7003
Isarog Premiere Bus (P1100 one-way to Naga)
  • Dun kami sa Premiere bus papunta at Lazyboy pauwi. Ang pagkakaiba nilang lahat, yung Sleeper Bus, as in kama ang hihigaan mo. Yung Lazyboy, parang medyo katulad ng sa mga big time cinemas na narerecline. Yung Premiere, mas malaki nang kaunti dun sa Lazyboy. Yung regular, alam niyo na yun. Premiere din kami pauwi kaso sa Legaspi kami manggagaling kaya walang available kundi Lazyboy. Kung sa Naga ka back and forth, mas maraming options.
  • Umalis kami ng Manila ng 8:15 ng gabi. Dumating kami sa Naga Central Bus District Terminal ng bandang 5:00 ng umaga so approximately 9 hours ang unang part ng biyahe.
DSCF7041.JPG
Front part of Sabang Port (available for boats during high tide)
  • Mula sa Central Bus District Terminal, kailangang magbiyahe ng 1 hour and 20 minutes papuntang Sabang Port. Nag-rent kami ng UV Express for P2000 para sa aming 11 na tao (9 na matanda at 2 bata). Sabi ni kuya driver namin, pwedeng mas mura kung dun sa hindi “private” ang sasakyan. Around P100 per head daw ang bayad.
DSCF7058
Back part of Sabang Port (used during low tide)

DSCF7061

DSCF7088.JPG

DSCF7080
Boatmen lifting passengers from shore to boat
  • Dahil low tide, medyo natagalan kami sa pag-aantay dahil kailangang sa likod ng port dumaan ang bangka. Wala ding madaling access pag-akyat ng bangka kaya eto, sa pictures, mano-mano binuhat ng mga kuya ang mga pasahero. Nakakatakot ang karga experience pero enjoy kasi something new!
DSCF7097
View from the boat going to Caramoan

Normal daw ang ganitong style ng pagkarga sa mga pasahero. Kung ayaw niyo sa bangka, pwede ring mag van/bus mula sa Sabang Port papuntang Caramoan. Mas matagal nga lang ang biyahe. Kung bangka, around 1 hour 45 minutes ang biyahe. Mga 4 hours naman daw kung bus o van.

Food & Accommodation 

DSCF7039
Guijalo Port Caramoan
  • Pagkarating niyo ng Guijalo Port Caramoan, kailangan niyo pang bumiyahe ng mga 15-30 minutes papunta sa hotel na mapipili ninyo.
  • Para hassle-free ang trip namin, nag-avail kami ng group tour. Para sa 9 pax at 2 bata (libre na ang bata), P3000 ang bayad per person. Kasama na dito ang roundtrip transfers, food, accommodation, tours, at tour guide fee. Eto ang breakdown.
  1. Round trip transfers by van (Guijalo Port Caramoan to hotel and vice versa)
  2. 2-night stay at Caramoan La Playa Camp and Picnic Grounds
  3. 2 breakfast, 2 dinner (set meal-refillable)
  4. 2-day Island tour with 2 lunch sets by the beach
  5. tour guide
  6. private boat with 2 boatmen
DSCF7949
Facade of La Playa Camp and Picnic Grounds
DSCF7131.JPG
Inside one of the guest rooms
  • Kung di naman kayo malaking grupo, gamiting reference ang estimated price cost ng mga rooms dito.
Caramoan La Playa Camp and Picnic Grounds

Estimated Room Costs

P1500 2 pax per A/C room
P2500 4 pax per A/C room
P3500 6-8 pax per A/C room
*Non A/C rooms also available ranging from P600-P800 per room
DSCF7595
Our group with Kuya Rey, our tour coordinator
  • Mas mura kung mas madami at mas masaya siyempre na isang grupo kayo sa island hopping and tours kaya consider niyo na malaking grupo kayo pagpunta niyo dito.
  • For more information, visit their Facebook page at https://www.facebook.com/LaPLaYaVDM/.

Simple lang ang cottages. Sakto lang sa mga di masyadong choosy. May aircon, maluwag, at malapit sa beach. Pero guys, kung ano ang ikina-simple ng tulugan, siya namang kinasarap ng pagkain. Sa totoo lang, medyo maarte yung iba sa amin sa pagkain pero dito, kahit isang reklamo sa food, wala. Sulit lahat dahil lasang fresh from the sea ang seafood, mayroon ding legit Bicol delicacies, at more than enough ang serving sa amin. Sa katunayan, wala kaming kain na naubos namin ang pagkain. Madami lahat at masarap!

DSCF7080.JPG
Sweet & Sour Maya-Maya
DSCF7471.JPG
Bicol Express
DSCF7132.JPG
Ginataang Pampano
DSCF7156.JPG
Special Daing (Only Available @ La Playa)

DSCF7150.JPG

DSCF7113
Inihaw na Baboy with Special Toyo
DSCF7124
Mixed Vegatables
DSCF7170
Balisusung

DSCF7203.JPG

DSCF7184.JPG
Aroyo

Caramoan & Legazpi Adventures

Sa sobrang laki ng Bicol, pumili lang kami ng dalawang destinations na sa tingin namin ay swak sa oras at interests naming lahat. Perfect combo ang Caramoan at Legaspi dahil may mix of beach and land adventures. Ano ang common denominator sa dalawa? Siyempre, pagkain! Kaya naman pala sikat ang Bicol eh, talagang babalik-balikan mo ang pagkain nila, mapa-dagat o lupa pa yan.

Day 1: Caramoan Island Adventure

Madaming islands sa Caramoan pero itong mga islands daw na ito ang kadalasang pinupuntahan sa mga tours dito. Dalawang araw kami nag-island hopping kaya ang dami naming napuntahan na mga isla. Para sa Day 1, hanggang 6 ang islang pwedeng puntahan. Mas pinili namin na 4 lang dahil ayaw namin na nagmamadali. Mas importante na chillax lang sa beach kaya naman apat na isla lang, solve na!

1st Stop- Lagus Island

Kinuha daw yung pangalang “lagus” sa Tagalog word na “lagusan” na ang ibig sabihin ay tagusan ng tubig. Sabi ni kuya boatman, kilala ang island na ‘to sa mga rock formations nito na napapagitnaan ng beaches.

DSCF7137

DSCF7140

DSCF7132

2nd Stop- Matukad Island

DSCF7337
Path going up to the Enchanted Lagoon

Sa Tagalog, ang salitang “matukad” ay may ibig sabihin na “paakyat”. May akyatan kasi dito papuntang Enchanted Lagoon. Bakit enchanted? Ganito kasi ‘yan. Dati daw, may dalawang giant milkfish dito. Hinuli ng isang fisherman yung isa. Ang nakakapagtaka, namatay yung fisherman pagkauwi niya ng bayan niya. Take note na yung isang milkfish ay nandito pa rin at laging pinupuntahan ng mga turista. Isa pang kakaibang pangyayari dito ay dahil sa sobrang dami ng puno at halaman sa paligid ng tubig kung nasaan ang milkfish, wala kang makikita kahit isang nalaglag na dahon sa tubig. As in wala!

DSCF7238

DSCF7389

DSCF7382

DSCF7277

3rd Stop- Kagbalinad Island

DSCF7354.JPG
Snorkeling Area- Kagbalinad Island

4th Stop- Minalahos Island

DSCF7434

DSCF7401.JPG

DSCF7407.JPG
Sunset at Minalahos Island

Day 2: Caramoan Island Adventure

Nung Day 1, inuna namin yung mga malalapit na islands at beaches. Ngayong Day 2, dun na kami sa mas malalayo. Sa totoo lang, malapit o malayo, maganda lahat!

1st Stop- Manlawi Beach Bar

DSCF7709
Manlawi Sandbar

Eto ang highlight ng trip namin. Hindi pwedeng hindi niyo to mapuntahan dahil bukod sa parang magic na mawawala ang sand bar bandang tanghali o depende sa galaw ng buwan, dito din kami naka-experience for the first time ng seafood beach market!

DSCF7605
Manong vendor selling fish

First step ay makipagtawaran kina kuya. Di naman sila masyadong mahal magpresyo kaya no hassle sa pagbili.

DSCF7630
Crabs for sale

Titimbangin ni kuya sa harap mo yung binili mo.

DSCF7652

Pagkatapos, ihahanda na ni kuya ang lutuan. Yes, sa ibabaw ng bangka niya lulutuin ‘yan. Sarap panuorin yung every step ng ginagawa niya!

DSCF7675
Improvised grill on the boat
DSCF7667
Start of grilling

Habang niluluto ni kuya yung alimasag namin, nagpicture-picture muna kami sa sandbar. Pagbalik namin, luto na yung alimango pero hindi pa nilalagay ni kuya sa plastic. Alam daw kasi niya na pipicturan ko pa. Plus points si kuya!

DSCF7693

DSCF7679

Nakakatuwa kasi bukod sa seafood, may nagtitinda din ng fresh buko at halo-halo.

DSCF7755.JPG
Buko and Halo-Halo Store
DSCF7371
Halo-Halo
DSCF7383
Fresh buko juice

Pwedeng mag-lunch sa mga cottages na katulad nito. May rental fee lang na P200. Di kasama sa package namin ‘to kaya dun daw kami kakain mamaya sa isang isla. Isa pa, masyado pang maaga. Nirereserve namin gutom namin for later.DSCF7624.JPG

DSCF7685.JPG
Floating cottage for rent (P200)

Dapat maaga kayo dito kasi usually, sa tanghali, mawawala na yung sandbar at lalalim na yung tubig. The earlier you arrive, the more chances of successful selfies!

DSCF7265

DSCF7624

2nd Stop- Liwan/Guinahuan Island

DSCF7781
Guinahuan Island

DSCF7769.JPGItong isla na ‘to ang tinatawag na “Little Batanes” ng Caramoan. Kung bakit, malalaman niyo mamaya.

Pag baba mo ng bangka, kailangan mong maglakad ng mga 10-15 minutes paakyat. Bago ka umakyat, may nagtitinda ng super yummy na lato (seaweed salad) fresh from the sea. P100 daw yung isang plato na yan. Pwede na.

DSCF7396.JPG
Lato (Seaweed Salad)

Madadaanan mo din yung kaunting mga bahay na ang source of livelihood ay magtanim, magpatuyo, at magtinda ng seaweeds na gawa sa gelatin. Yes, yung gelatin na nilalagay sa halo-halo at gulaman. Ayos diba?

DSCF7782
Dried seaweeds turned into gelatin

Pag-akyat sa tuktok, di mo na mapapansin yung pagod mo. Batanes feels, men!

DSCF7797

DSCF7802

DSCF7816
View from the top of Guinahuan Island

DSCF7830Sulit ang pagod dito. Ito ang isa sa panahon na magiging proud ka talaga na meron tayo nito sa Pinas.
DSCF7840

DSCF7841

3rd Stop- Cutivas Island

DSCF7871
Cutivas Island

Pagkababa namin sa Little Batanes, gutom na gutom na kami kaya sakto dahil lunch time na sa next island. Dito daw sa island na ‘to ginawa ang opening remarks ng Survivor USA. Dito na din ang designated lunch area ng mga guests. Kasama sa package ‘to kaya no need to pay.

Kain na!

DSCF7462
Lato (seaweed salad)

DSCF7852
[L-R] Fried fish, chicken and pork adobo, spicy laing, crabs
DSCF7868*Disclaimer: Hindi kasama sa lunch package yung crabs at lato. Libre yun ng friend namin.

4th Stop- Sabitanglaya Longest Beach

DSCF7893
Sabitanglaya Rock Formation

Ito daw ang longest beach dito sa Caramoan. Marami ding mga rock formations dito na sikat sa mga turista.

DSCF7921

DSCF7945

Day 3: Legaspi Accommodation and Food Trip

Sa Day 3 namin, may option kaming pumunta pa sa simbahan, souvenir shops, underground tunnel, at iba pa. Mas pinili namin na maaga nang umalis papuntang Legaspi. 4-6 hours ang biyahe kaya mas maagang umalis, mas maganda. Di rin predictable ang weather kaya mahirap na maabutan ng ulan.

Mula sa Caramoan, kailangang bumalik ng Sabang port either thru boat or van. Mas pinili namin na mag-van naman. Mula sa Sabang port, babiyahe ulit thru van papuntang Legaspi.

Dumaan muna kami sa St. Michael the Archangel sa Caramoan.

DSCF7974.JPG
ST. MICHAEL THE ARCHANGEL PARISH-CARAMOAN

After 2 1/2 hours na biyahe, nagstop-over kami sa Goa for breakfast. Isa sa sikat na kainan dito ay Graceland. Para siyang Goldilocks na may ulam, pasta, at pastries.

DSCF7989.JPG

DSCF7988.JPG

Best buy ‘tong yema cake. Pwedeng pampasalubong. Sarap!

DSCF7992.JPG
Yema Cake- Graceland

Sa tabi ng Graceland, makikita niyo yung sikat na tinadahan ng toasted siopao. Hanapin niyo lang ang 3N.

DSCF7510
Toasted Siopao- 3N

Siyempre, meron din silang Bicol food.

DSCF7533
Bicol Special- Liempo with Pinangat
DSCF7546.JPG
Lechon Bicol Express with Balaw

Best ‘yung balaw, promise! Parang gugustuhin mo mag-uwi ng bote-boteng ganyan tapos ipapartner sa kahit anong pritong ulam.

Pagkatapos ng breakfast, biyahe na ulit kami papuntang Legaspi for 3-4 hours.On the way, madadaanan din ang Partido Riviera. Ganda mag-picture dito!

DSCF7998

DSCF8005

DSCF8012

Pagdating namin sa Legazpi, diretso na kami agad sa hotel para makapagpahinga.

DSCF8195.JPG
Wyne’s Hometel

Highly recommended namin ang hometel na ‘to. Mabait ang may-ari at maganda ang bahay. Nakuha namin siya ng P650 per person. May breakfast na din na kasama. Pwede niyo silang ma-book sa Airbnb at pwede ring direct. Tignan ang contact number nila sa dulo ng post na ito.

DSCF8017
Wyne’s Hometel- Room 301
DSCF8019.JPG
Wyne’s Hometel- Room 302

Ang best part sa hometel na ‘to, kitang-kita mo na agad ang Mayon mula sa terrace. Suwerte, pagdating namin, nagpakitang gilas na agad siya oh. Amazing!

DSCF8027.JPG
View from Wyne’s Hometel

Day 4: Mayon Adventure, City Tour, Souvenirs, & Food Trip

Sa last day namin, maaga kami gumising para sa Legazpi City Tour. Dito kami medyo nagkaproblema. Mahal yung nakuha naming package sa isang agency na hindi recognized ng DTI. Learn from our mistake. Kapag sa agency kayo kumuha ng package, per person ang bayad. Kung van na legally accredited by DOT naman ang irerent nyo,mas makakamura kayo. P2500 lang ang bayad para sa buong van na. Bad experience kami sa agency na ‘to kasi bukod sa walang matinong itinerary na ibinigay sa amin, paiba-iba pa sila ng sinasabi sa tuwing makakausap mo. Ang moral of the story, ask for the accreditation ng isang agency bago kayo magbook. To cut the story short, sa P2500 na van rental, may 4-6 hours ka na maglibot sa buong Legaspi. Eto ang mga pwede ninyong puntahan.

Sumlang Lake

DSCF8204
Sumlang Lake

DSCF8207

Medyo mahiyain ang Mt. Mayon ngayong araw na ‘to. Nevertheless, prepared ang mga tagapamahala dito sa mga turista dahil nakahanda na ang iba’t-ibang picture/selfie setup sa ibabaw ng mga balsa. Ang gagawin na lang ng mga bisita ay humanap ng tamang anggulo na makikita ang Mayon.

DSCF8211

DSCF8209

DSCF8297

DSCF8300

May entrance fee pala na P20 dito pero pwedeng kasama na sa package depende sa mapagkakasunduan niyo.

Cagsawa Ruins/Mayon Volcano

Processed with VSCO with 6 preset
Mayon Volcano

Actually, patience lang ang kailangan para makuhanan ng buo si Mayon. Antayin lang mahawi ang ulap at pwede na makakuha ng sulyap sa kanya. Sa tagal ng pag-iintay namin, eto na ang pinakabest niya. Masaya na kami dito kasi finally, one item ticked off our bucket list ulit. Di na lang sa memory ng grade school textbooks namin maaalala ang bulkang ‘to. Sulit ang pag-iintay!

DSCF7643

DSCF8306.JPG
In front of Cagsawa Ruins

Kaunting background lang, yung nakikita nating structure na yan ay remnants ng simbahan na sinira ng pagputok ng Mayon noong 1814.

DSCF8313.JPG
Sili Shake Master

Pag bisita niyo dito, wag niyo kakalimutan i-try itong cute na shake store. Ang mas nakakaaliw, lahat ng fruit shakes mo, pwede mo pahaluan ng sili o bicol express. Astig!

DSCF7676
Guyabano Shake (option to put sili)

Sa totoo lang, solve na kami sa sightseeing. Pero kung mas adventurous ka, may optional na ATV tour na kasali.

image4

image3

image6
First Lava Wall Tour – P1850 per pax

Hindi ‘to kasama sa package kaya kung may extra budget, go na! Madaming klase ng tours pero sulit na to sa P1850. Halata naman sa mukha ng mga kasama namin na enjoy sila!

Daraga Church

DSCF8317
Daraga Church

Japanese Tunnel

IMG_3177
Entrance to Japanese Tunnel
IMG_3193
Inside the Japanese Tunnel

IMG_3175

Legazpi Public Market

DSCF8310.JPG
Pili nuts and other Bicol products
DSCF7717.JPG
Tinapa
DSCF7732.JPG
Dilis

Albay’s Best Pasalubong

DSCF7752.JPG

DSCF7746.JPG

DSCF7743.JPG

DSCF7736.JPG

Dahil natagalan kami sa bawat stop, hindi na namin napuntahan yung iba. Sa susunod na lang ulit.

Ang Bicol-Legaspi trip na ‘to ay para sa mga taong matiyaga sa biyahe. In fairness, may dalawa kaming kasamang bata pero nakayanan nila. Nakakapagod pero sulit!

DSCF7847.JPGPwede ‘tong trip na ‘to sa maliit na grupo pero mas masaya at mas mura siyempre kapag marami.

DSCF7799.JPG

DSCF7841.JPGUulit pa ba kami? Oo naman! Di mapapantayan ng kahit anong bagay ang marating ang mga magagandang lugar sa Pinas tulad nito.

Kung gusto niyo ding subukan ang long trip na ‘to, review ulit tayo ng paraan ng pagpunta at expenses mula Cubao papuntang Caramoan, Legaspi, at pabalik. Disclaimer ulit, pwedeng may mas mura o mas mahal depende sa trip ng barkada o pamilya.

TRANSPO/ACTIVITIES LENGTH OF TIME ESTIMATED COST PER PAX
Isarog bus from Manila to Central Bus District Terminal Naga 8 hours P1100 (Premiere bus)

(P750 if regular A/C bus)

Central Bus District Terminal to Sabang Port 1 hour and 20 minutes P100 if taking public van

(P2000 for the entire group if private van)

Sabang Port to Guijalo Port Caramoan 1 hour and 45 minutes P120
Caramoan stay with tours, full-board meals, and roundtrip transfers from/to Guijalo Port Caramoan 2 nights P3000
Legazpi accommodation 1 night P650

(may be cheaper or more expensive depending on your choice of stay)

Legazpi Land tour (transpo from Sabang Port to Legaspi, Mayon and city adventure, service to Legazpi station going back to Cubao) 1 day P2500 per van (so assuming that you are in a group of 5-10, price per pax will be P250-P500)
Legazpi back to Cubao 12 hours P1100 (Premiere bus)

(P750 if regular A/C bus)

Running Total per pax (if going via regular A/C bus back and forth) P5620 + P880 extra money for food and other expenses

 

=P6500

For your reference, ito din ang contact numbers ng mga taong tumulong sa amin sa trip na ‘to. The best sila Kuya Rey and Kuya Rene kasi para kaming baby sa alaga. Sa lahat ng lugar sa Pilipinas na napuntahan namin, sila ang number one sa hospitality at honesty. Try niyo din sila!

DSCF7592
Rey Delos Reyes (Tour Coordinator) Smart: 0908-820-0557 Globe: 0927-601-7463 Email: rey_dlr@yahoo.com
DSCF7239
Rene Imperial (Tour Guide/ Boatman- Caramoan) Contact: 0912-860-1766
DSCF8200
Wyne’s Hometel- Legaspi Contact: 0917-707-4352
thefoodadvenchers logo
Follow us for more food and travel adventures!    Instagram Facebook

 

 

 

 

 

Advertisements

Published by

thefoodadvenchers

Bee and Jovie are teachers who find joy in molding the minds of the young generation. Together, they share in this challenging yet fulfilling mission. When the teaching world becomes too taxing, they seek solace in eating, as well as in picture taking. Thus, they found the perfect reason to go food and travel blogging. Follow their food advenchers on IG at www.instagram.com/thefoodadvenchers and WordPress at www.thefoodadvenchers.wordpress.com.

One thought on “Caramoan Summer Adventure”

  1. I appreciate every detail that you wrote to describe your adventure trip – from bus options to accommodations options to photography tips. Your attention to budget made this article a must-read for those planning a grand but affordable vacation. At kasama pa ang pocket money pambili ng pasalubong na may mga pictures din. Kumpleto!

    The many photos you provided to support the details convinced me that this will be worth my time if ever and whenever I visit Caramoan and Legazpi.

    I like the pictures of the bangkeros carrying the passengers to the boats. Your food pictures made me have a craving for inihaw na pusit, genuine Bicol express, boiled crabs and daing. I am curious about the sili shake. Ang daming guyabano sa stand na iyon!

    I will share your article with my family.

    Thank you for sharing your experience.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s